Ipinapaubaya ko ang aking sarili sa iyong mga kamay,
Gawin mo sa akin ang bawa’t naisin mo
Anuman ang gawin Mo ay ipagpapasalamat ko
Nakahanda akong tanggapin ang lahat
Masunod lamang ang Iyong niloloob para sa akin
At sa Iyong mga nilalang.
Wala na akong mahihiling pa, Panginoon
Sa Iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa
Sapagka’t mahal kita Panginoon
At kinakailangang ibigay ko ang aking sarili
Isuko sa Iyo nang walang pag-aalinlangan
At may pagtitiwalang walang kapantay
Sa dahilang Ikaw ay aking Ama
Ama, Ipinapaubaya ko ang aking sarili sa iyong mga kamay